My Version of Manix Cabrera’s News Hardcore 78

Relate? This is my own version. Actually this is just ONE of the many. Hehehe.

 

It was late October of last year at dahil Halloween season, we decided to have a “Halloween Special”. I came up with this idea na i-discuss yung “sapi” sa kulturang pinoy. Para sa akin kasi mas realistic yung sapi compared sa ibang mga “katatakutan” na pwedeng i-discuss for halloween (kagaya na lang ng mga aswang o kung ano pa man).

I asked the kids (yung mga masscomm kids na kasama ko sa program) to look for someone na nasapian, a psychologist and a priest. Syempre, madali kaming nakahanap ng psychologist at priest. Madugo talaga ang paghahanap ng nasapian dahil na rin yung iba ay takot na lumantad. Pero syempre, dahil magaling yung mga bata nakahanap sila ng nasapian night before we aired.

 

Ito raw ay taga-Narra at nasapian nga. Kilala naman siya nung isa sa mga bata kaya go na kami. Kinausap sya ng nanay ng isa sa mga bata na mag-guest samin. Ok naman daw sa kanya. Tinext ko rin sya to ensure na nasapian talaga sya at para malaman yung willingness nya na magpainterview. Syempre kailangan 100% sure na maiinterview namin sya dahil we cant pull it off without her. Ok na man daw sya at itatago na lang nin yung totoo nyang pagkakakilanlan.

Hours before the airing tinext ko sya ulit. Gumagawa na sya ng excuses. Sabi ko sa sarili ko, THIS IS REALLY IS IT. Sabi nya nasa work daw sya. Sabi ko naman sandali lang po yung interview konting istorbo lang po. Hindi sya nagreply. Tinawagan ko sya. Brinief ko sya sa magiging flow ng interview ko sa kanya. Sabi nya nasa biyahe daw sya. Pero na-convince ko naman sya, dala ng pagmamakaawa ko na ituloy ang interview.

 

8 am na at sasalang na ako, nagtext sya “Sir hindi naman po ako nasapian”. Napamura talaga ako ng malutong.  Sabi nya, dinadalaw lang daw sya. At dahil wala na kaming choice, sige na lang.

Pinasok namin sya at tinago namin sya sa pangalang “Abigail”

 

Syempre pinakwento ko sa kanya yung experience nya. Kung ano man yon.

 

Sinimulan nya talaga yung kwento nya sa “Isang araw..”. ULTIMATE FACE PALM. Ang kasunod pa eh nagpunta raw sya sa tabing dagat isang hapon at lamig na lamig daw sya. She’s trying to say it’s unusual. At dun nga daw nag-umpisa na dalawin sya ng mga di karaniwang mga nilalang. Apparently,  Natipuhan daw kasi sya nung prinsipe ng mga ito at gusto syang pakasalan. Pumunta pa raw yung mga magulang nung prinsipe sa kanila para pilitin sya magpakasal. Sinama pa raw sya sa kaharian ng mga ito. Ayon sa kanya, maganda raw sa kaharian nung mga ito.

 

I was really in awe habang nagkukwento sya. Yung reaction ng mga bata na nakikinig ng fairy tale. Napipicture out ko sa utak ko yung pelikula ni Maricel Soriano na Inday Bote (hehehe.. I grew up with this kind of films). I asked her to describe yung mga “visitors” nya. She answered plainly na “mukha silang tao”. Nag follow-up ako ng “sulsol tanong” “maliliit po ba sila o mahahaba ang tenga?”. Muntik kong ika-tumbling ang sagot ni ate. Hindi raw. Blonde daw at Gwapo. Naglihis na ako ng tanong . At naitawid naman namin ang halloween special.

Ewan ko kung naging masama ba ako sa reactions ko pero among other experiences, ito talaga yung naalala ko sa komiks na to. :)