10 months ago, dumating ka sa buhay ko ng hindi inaasahan. Oo, matagal ko nang ipinagdarasal na may taong dumating sa buhay ko na magbibigay kulay sa boring kong mundo. Kaya lang wrong timing ka talaga non. Masyado akong distracted at busy sa mga bagay na mahalaga sa akin.

 

Kilig na kilig ako nung nalaman kong gusto mo na ako. Feeling ko, kayang paikutan ng buhok ko sa haba ang buong mundo (mukhang abot pa nga sa mars). Masaya at nakakaflatter. Feeling ko talaga ang ganda-ganda ko.

 

Nung tinanong mo ako kung gusto ba kita, oo talaga ang sagot ko.. Kaya lang, dahil dalagang filipina ang peg ko, sabi ko medyo. Masaya ako at naintindihan mo ako na dapat muna nating kilalanin ang isat-isa.. Kahit hindi naman talaga yun ang gusto kong mangyari.

 

Isa. Dalawa. Tatlo. Ilang buwan ding masaya naman tayo sa ganitong set-up. Everything seemed well and fine. SEEMED WELL AND FINE. SEEMED.

 

Akala ko ok lang sayo. Akala. Akala. Akala.

 

Hanggang sa naging kayo na ni Redd. Kayo na nga ba? Ewan ko. Basta nasasaktan ako sa palitan nyo ng mga comments at status sa facebook. Oo. Nagseselos ako. Totoo nga na mas matindi pa daw magimbestiga ang mga taong nagseselos. Sinuyod ko ang mga wall nyo ni Red. Pati yung mga wall ng common friends nating tatlo. Pati twitter ni Redd.

 

Totoo ngang pag wala na ang isang tao sa buhay mo, at saka mo lang marerealize kung gaano sya kaimportante sa buhay mo.

 

Kung anong tapang ko sa ibang bagay, naging duwag ako sayo. Naduwag akong mag-commit. Naduwag akong mahalin ka ng buo. Naduwag akong masaktan.

 

Mahal na mahal kita. Gustong-gusto kita. You’re more than what I’ve prayed for. Kaya lang kulang yung pinanalangin ko eh. Nakalimutan ko orderin kay bro yung tapang na magmahal ng buo. Yung pagmamahal na handang masaktan.

 

Pero mas masakit pala yung ganito.

 

Maswerte si Red sayo. And he deserves you kesa sa akin. Alam ko maswerte ka rin sa kanya. Handa ka nyang mahalin ng buong-buo. Bagay na hindi ko kayang ibigay sayo ng kagaya ng binibigay mo saakin dati.

 

Gusto kong ipaglaban ang nararamdaman ko sayo. Gusto kong ipa-mukha sayo na walang kwenta yung ipinalit mo sakin. Kahit sa totoong buhay, ay ni wala ako sa kalingkingan nya. Pero alam kong sooner or later, I’ll end up hurting myself.

 

Alam kong masaya na kayo pareho. At susubukan kong maging masaya para sa inyong dalawa. I’ll be ok soon. Thanks for the lessons learned the hard way.